Huwebes, Nobyembre 22, 2018

MAY-ARI NG ASONG NAKA-KAGAT NG TAO, MAAARING MAG-MULTA AT MAHARAP SA KASONG SIBIL


Larawan mula sa Google
ASO MO, ITALI MO!
By: GL

Nakatali ba ng maayos ang iyong aso? Mag-ingat! Dahil maaari kang Mag-multa at maharap sa kasong Sibil sakaling maka-disgrasya o maka-biktima ang iyong alagang aso.

Nakapaloob sa Republic Act 9482 o ang “Anti-Rabies Act of 2007” ang mga responsibilidad ng may-ari ng aso. Isa na rito ay ang pagtatali sa alagang aso kung sakaling ito ay dadalhin sa labas at ang kaukulang kaparusahan nito na pagbabayad ng multang liman-daang piso (P500.00) sa bawat insidente.

Kung sakaling maka-kagat naman ang alagang aso, ang insidente ay kinakailangang mai-report agad ng may-ari ng aso sa mga otoridad sa loob ng dalawampu’t apat (24) na oras at dalhin ang aso sa isang government o private veterinarian para ma-obserbahan. Kapag ang may-ari ng aso ay tumanggi sa gagawing obserbasyon sa kanyang aso, maaari itong mapatawan ng multang Sampung libong Piso (P10,000.00).

Ayon din sa naturang batas, responsibilidad din ng may-ari ng aso na sagutin ang pag-papagamot sa taong nakagat ng kanyang aso. At kung sakaling ito ay hindi masunod, ay may kaukulang multa na nagkakahalagang Dalawampu’t Liman Libong (P25,000.00) Piso.

Lahat ng ito ay malinaw sa Sections 5 at 11 ng nasabing batas:

Sec. 5. Responsibilities of Pet Owner. - All Pet Owners shall be required to:
(a) xxx;
(b) xxx;
(c) Maintain control over their Dog and not allow it to roam the streets or any Public Place without a leash.
(d) xxx;

(e) Within twenty-four (24) hours, report immediately any Dog biting incident to the Concerned Officials for investigation or for any appropriate action and place suchDog under observation by a government or private veterinarian.

(f) Assist the Dog bite victim immediately and shoulder the medical expenses incurred and other incidental expenses relative to the victim’s injuries.

Sec. 11. Penalties. -
(1) xxx.
(2) xxx.

(3) Pet Owners who refuse to have their Dog put under observation after said Dog has Bitten an individual shall be meted a fine of Ten thousand pesos (P10,000.00).

(4) Pet Owners who refuse to have their Dog put under observation and do not shoulder the medical expenses of the person bitten by their Dog shall be meted a fine of Twenty-five thousand pesos (P25,000.00).

(5) Pet Owners who refuse to put leash on their Dogs when they are brought outside the house shall be meted a fine of Five hundred pesos (P500.00) for each incident.

xxx.”

Samantala, maaaari din na maharap sa kasong sibil ang sinumang nag-aalaga ng aso kung sakaling ito ay maka-perwisyo ng iba, at kahit pa ito ay nawala o nakawala. Ito ay malinaw sa Article 2183 ng Civil Code of the Philippines na nagsasabing:

“Art. 2183. - The possessor of an animal or whoever may make use of the same is responsible for the damages which it may cause, although it may escape or be lost. This responsibility shall cease only in case the damage should come from force majeure or from the fault of the person who has suffered damage."

Ayon sa nasabing batas, hindi kinakailangan na ikaw ang may-ari ng asong naka-perwisyo, para ikaw ay magkaroon ng pananagutan sa biktima. Sapat na na ikaw ang nag-aalaga o nag-iingat nito.

Paalala, upang makaiwas sa ano pa mang abala at aberya, maging isang responsableng pet owner at huwag hayaang pagala-gala ang iyong aso sa kalsada at iba pang pampublikong lugar na hindi nakatali. Siguraduhin ding nabigyan ng kaukulang bakuna ang aso laban sa rabies.

***

Martes, Nobyembre 20, 2018

PAG-SINGIL SA UTANG NA HINDI LALAGPAS SA P1,000,000.00


ANG LEGAL NA PAGSINGIL NG PAUTANG?

By MKL
  
Kung ikaw ay hirap o sawa ng sumingil sa taong iyong pinautang ng halagang hindi lalagpas sa isang milyong piso (P1,000,000.00) at may dokumentong makapag-papatunay nito, ano ba ang maaring mong gawin upang tuluyan ka nang maka-singil?

Maari kang mag-file ng Small Claims Case       

Ayon sa Rules on Expedited Procedures in First Level Courts (A.M No. 08-8-7-SC)1 ng Korte Suprema, maari kang maghain ng reklamong “Small Claims” laban sa taong hindi nakapagbayad sa’yo, kung ito ay nagmula sa alinman sa mga sumusunod na kadahilanan2:

(a)   Perang hindi nabayaran dahil sa:

1.   Contract of Lease (Renta);
2.   Contract of Loan (Utang);
3.   Contract of Services (Serbisyong may bayad)
4.   Contract of Sale (Bentahan)
5.   Contract of Mortgage;

(b)  xxx
(c)   xxx

Kakailanganin mo lang na magtungo sa Municipal Trial Court na may sakop ng lugar kung saan ka nakatira (nagrereklamo) o ng taong irereklamo, upang mag fill-up ng verified Statement of Claim (Form 1-SCC), Certification Against Forum Shopping, Atbp. (Form 1-A-SC). Kailangan din na ilakip ang kopya ng dokumentong maka-pagpapatunay ng iyong “claim”, tulad halimbawa ng Promissory Note, at ng iba pang mga ebidensya kagaya ng mga salaysay ng testigo, kung meron man3.

Dapat lamang na ang kabuang halaga na nais mong singilin, hindi kasama ang interest at costs, ay hindi lalagpas na ngayon sa isang milyong piso (P1,000,000.00).

Hindi mo na rin kakailanganin pa na kumuha ng abogado na mag-rerepresenta sa’yo sa kaso. At kung kakailanganin mo ng tulong sa paghahanda ng reklamo o ano pa mang impormasyon patungkol sa “small claims” ay nandiyan mismo ang mga empleyado ng korte para ikaw ay gabayan.

Tandaan lamang na ang paniningil sa utang ay may tinatawag na prescriptive period o panahon kung hanggang kailan lamang ito pwedeng i-file sa korte. Kapag may kasulatan, sampung (10) taon mula sa due date ng loan ang prescriptive period (Article 1144, NCC). Habang anim (6) na taon naman ang prescriptive period kapag verbal at walang kasulatan ang utang. Subalit maaaring matigil o mapahinto ang pagtakbo ng prescriptive period ng pagsingil kung ikaw ay magpapadala ng demand letter bago ito ay tuluyang matapos o di kaya ay kung merong kasulatan na ang pagkakautang ay kinikilala ng taong iyong sinisingil. Ito ay ayon sa Article 1155 ng Civil Code.

                                              xxx

__________________
1https://sc.judiciary.gov.ph/24982/
2SEC. 5. (A.M 08-8-7-SC) Applicability.– The Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities, Municipal Trial Courts, and Municipal Circuit Trial Courts shall apply this Rule in all actions that are purely civil in nature where the claim or relief prayed for by the plaintiff is solely for payment or reimbursement of sum of money.

The claim or demand may be:

(a) For money owed under any of the following:

1. Contract of Lease;
2. Contract of Loan;
3. Contract of Services;
4. Contract of Sale; or
5. Contract of Mortgage;

(b) xxx
(c) xxx.”
3See Sections 6, 7, 8, and 17 of A.M No. 08-8-7-SC

Sabado, Nobyembre 17, 2018

MALING ENTRY SA BIRTH CERTIFICATE

PAANO MALALAMAN KUNG ANG PAGTATAMA SA MALING MGA ENTRY SA INYONG BIRTH CERTIFICATE AY IDADAAN PA SA KORTE O HINDI NA?
By: GPL
  
Isa ka siguro sa mga namomoroblema dahil “wrong spelling” ang pangalan mo. Imbes na JENNIFER ay JENIPER ang nailagay sa iyong birth certificate (BC). Maaari ring namomoreblema ka dahil mali ang petsa ng iyong kapanganakan? Kahit ano pa man, ang importante ay may solusyon pa para ito’y maayos. Ang tanong nga lang ng karamihan ay paano malalaman kung ang pagsasaayos ng mga entry sa iyong birth certificate ay kailangan pang idaan sa korte o hindi na.
                           


Dalawang paraan ng pagtatama ng maling entry


May dalawang paraan para maisaayos ang maling entry sa iyong birth certificate. Ang una ay pagtatama ng maling entry sa pamamagitan ng pag-file ng petition sa Local Civil Registry Office ng Lungsod o Bayan kung saan ito na-rehistro  at hindi na kailangan pang dumaan sa korte (RA 9048 at RA 10172). Ang pangalawa naman ay pagtatama ng maling entry sa pamamagitan ng pag-file ng petition for correction of entry sa korte (Rule 108, Rules of Court).


Pagtatama na hindi na kailangang idaan sa korte

Nakapaloob sa RA 9048 at RA 10172 na ang City/Municipal Registrar o ang Consul General ay pinahihintulutang magtama ng typographical o clerical error sa Birth Certificate at iba pang Civil Registry Documents na hindi na kailangan pa ng Judicial Order o Court Order


Ayon sa nasabing batas, maari kang magtungo o dumiretso sa Local Civil Registry Office ng Lungsod o Bayan kung saan na-rehistro ang iyong Certificate of Live Birth, upang maghain ng petisyon, kung ang maling entry ay alinman sa mga sumusunod:

a.  May typographical o clerical error sa alinmang entries sa Birth Certificate, maliban kung ang mali ay ang Nationality, Status, at Edad (Taon ng kapanganakan)

Kapag sinabing Clerical o Typographical error, ito ay mga simple at halatadong na pagkakamali sa paghahanda ng mga entries dahilan sa pagsusulat o pag “type” na hindi naman magdudulot ng masamang epekto gaya na lamang ng maling spelling sa iyong first name o kaya naman ay maling spelling ng place of birth, at iba pang mga entries na puwedeng itama gamit ang iba’t ibang references at record. Halimbawa, imbes na JUDITH, naging JODITH ang nairehistrong pangalan o di kaya’y imbes na QUEZON CITY ang lugar ng kapanganakan ay QUIZON CITY ang narehistro.

b.   Mali ang firstname o nickname

Pinapayagan din ng nasabing batas1 na maayos o mapalitan ang firstname o nickname kung ang rason ay alinman sa mga sumusunod:

·   Kapag sa tingin mo ay ang pangalan ay katawa-tawa, may bahid ng sirang dangal o puri o di kaya’y mahirap isulat o bigkasin;
·  Kapag ang nais mong ipalit ay ang pangalan na madalas o palagi at tuloy-tuloy mong ginagamit; o
· Kapag ang pagbabago ay hindi magdudulot o di kaya’y maiwasang magdulot ng kalituhan.


c.    Mali ang kasarian

Pagdating sa maling entry sa kasarian, kakailanganin na  ito ay masuportahan ng Medical Certificate galing sa accredited government physician na hindi ito nagpa sex change o sex transplant.

d.   Mali ang Buwan at Araw ng Kapanganakan


Kapag ang mali naman ay buwan at araw sa petsa ng kapanganakan, puwede na rin itong itama sa Local Civil Registrar ng munisipyo kung saan nakarehistro ang Birth Certificate. Halimbawa, imbes na September 6 ang date of birth, nairehistro bilang October 6 ang iyong birthday. Kailangan lamang maghanda ng mga supporting documents (gaya ng baptismal certificate) kung saan ibabase ang pagtatama ng maling entry.
         

Pagtatama na kailangang ma-idaan sa korte

Kung ang mga maling entry naman sa inyong Certificate of Live Birth ay hindi kabilang sa mga sumusunod, kagaya na lamang ng maling taon ng kapanganakan, Nationality o Status, ay maari lamang mapaayos sa pamamagitan ng paghain ng petisyon sa korte na may sakop ng lugar kung saan narehistro ang entry.
     
Samantala, ang mga nasabing paraan ng pagtatama ng entries sa birth certificate ay pwede ring gamitin sa pagtatama naman ng iba pang civil registry documents gaya ng marriage certificate at death certificate.

_______________
1 RA 9048 SECTION 4. Grounds for Change of First Name or Nickname. - The petition for change of first name or nickname may be allowed in any of the following cases:

1.     The petitioner finds the first name or nickname to be ridiculous, tainted with dishonor or extremely difficult to write or pronounce.

2.     The new first name or nickname has been habitually and continuously used by the petitioner and he has been publicly known by that by that first name or nickname in the community: or

3.     The change will avoid confusion.




***


FINDERS KEEPERS


Photo Grabbed from Google
ANG "FINDERS KEEPERS" RULE
By MKL

Kung sa iyong pag-lalakad ay swerteng nakapulot ka sa daan ng isang bagay na may halaga, katulad halimbawa ng isang pitaka na may lamang pera, ito ba ay kaagad na nangangahulugang pag-aari mo na? May mga batas ba na dapat sundin patungkol rito?
                          
Kapag ang isang bagay na natagpuan o nahanap ay may mapag-kakakilanlan ng may-ari, dapat itong ma-isauli. Ito ay ayon sa Article 719 ng Civil Code of the Philippines, na nagsasabing:

Art. 719. Whoever finds a movable, which is not treasure, must return it to its previous possessor. If the latter is unknown, the finder shall immediately deposit it with the mayor of the city or municipality where the finding has taken place.

The finding shall be publicly announced by the mayor for two consecutive weeks in the way he deems best.

If the movable cannot be kept without deterioration, or without expenses which considerably diminish its value, it shall be sold at public auction eight days after the publication.

Six months from the publication having elapsed without the owner having appeared, the thing found, or its value, shall be awarded to the finder. The finder and the owner shall be obliged, as the case may be, to reimburse the expenses.

          Malinaw rin sa nasabing batas na kapag hindi tukoy o di kaya walang mapag-kakakilanlan sa may-ari ang isang bagay na nahanap, ito ay dapat dalhin sa opisina ng Alkade ng lungsod o bayan kung saan ito nahanap o natagpuan. Ito ay i-aanunsyo ng Alkalde sa publiko ng dalawang magkasunod na linggo.

        Kapag hindi naman nagpakita ang may-ari sa loob ng anim na buwan matapos ang pampublikong pag-aanunsyo, ang bagay na natagpuan o nahanap ay i-pagkakaloob sa nakahanap. Kung sa loob naman ng nasabing araw ay nagpakita ang may-ari nito, siya ay obligadong bayaran o magbigay ng sampung pursyentong halaga ng bagay na kanyang nawala, bilang pabuya sa taong nakahanap. Ito ayon naman sa Article 720 ng Civil Code:

Art. 720. If the owner should appear in time, he shall be obliged to pay, as a reward to the finder, one-tenth of the sum or of the price of the thing found.

        Tandaan, bago ariin ang isang bagay na nahanap o natagpuan ay dapat na sundin ang prosesong nabanggit. Kapag tukoy o may pag-kakailanlan ng may-ari ang natagpuang bagay, dapat itong i-sauli. Dapat naman itong dalhin sa lokal na otoridad o sa opisina ng Alkalde kung ang may-ari nito ay hindi matukoy. Dahil kung hindi ay maaring maharap pa sa kasong theft ang taong nakahanap ayon sa Article 308 ng Revised Penal Code:

“Art. 308. Who are liable for theft. — Theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence against or intimidation of persons nor force upon things, shall take personal property of another without the latter's consent.
Theft is likewise committed by:
1. Any person who, having found lost property, shall fail to deliver the same to the local authorities or to its owner
xxx.”

***