Martes, Nobyembre 20, 2018

PAG-SINGIL SA UTANG NA HINDI LALAGPAS SA P1,000,000.00


ANG LEGAL NA PAGSINGIL NG PAUTANG?

By MKL
  
Kung ikaw ay hirap o sawa ng sumingil sa taong iyong pinautang ng halagang hindi lalagpas sa isang milyong piso (P1,000,000.00) at may dokumentong makapag-papatunay nito, ano ba ang maaring mong gawin upang tuluyan ka nang maka-singil?

Maari kang mag-file ng Small Claims Case       

Ayon sa Rules on Expedited Procedures in First Level Courts (A.M No. 08-8-7-SC)1 ng Korte Suprema, maari kang maghain ng reklamong “Small Claims” laban sa taong hindi nakapagbayad sa’yo, kung ito ay nagmula sa alinman sa mga sumusunod na kadahilanan2:

(a)   Perang hindi nabayaran dahil sa:

1.   Contract of Lease (Renta);
2.   Contract of Loan (Utang);
3.   Contract of Services (Serbisyong may bayad)
4.   Contract of Sale (Bentahan)
5.   Contract of Mortgage;

(b)  xxx
(c)   xxx

Kakailanganin mo lang na magtungo sa Municipal Trial Court na may sakop ng lugar kung saan ka nakatira (nagrereklamo) o ng taong irereklamo, upang mag fill-up ng verified Statement of Claim (Form 1-SCC), Certification Against Forum Shopping, Atbp. (Form 1-A-SC). Kailangan din na ilakip ang kopya ng dokumentong maka-pagpapatunay ng iyong “claim”, tulad halimbawa ng Promissory Note, at ng iba pang mga ebidensya kagaya ng mga salaysay ng testigo, kung meron man3.

Dapat lamang na ang kabuang halaga na nais mong singilin, hindi kasama ang interest at costs, ay hindi lalagpas na ngayon sa isang milyong piso (P1,000,000.00).

Hindi mo na rin kakailanganin pa na kumuha ng abogado na mag-rerepresenta sa’yo sa kaso. At kung kakailanganin mo ng tulong sa paghahanda ng reklamo o ano pa mang impormasyon patungkol sa “small claims” ay nandiyan mismo ang mga empleyado ng korte para ikaw ay gabayan.

Tandaan lamang na ang paniningil sa utang ay may tinatawag na prescriptive period o panahon kung hanggang kailan lamang ito pwedeng i-file sa korte. Kapag may kasulatan, sampung (10) taon mula sa due date ng loan ang prescriptive period (Article 1144, NCC). Habang anim (6) na taon naman ang prescriptive period kapag verbal at walang kasulatan ang utang. Subalit maaaring matigil o mapahinto ang pagtakbo ng prescriptive period ng pagsingil kung ikaw ay magpapadala ng demand letter bago ito ay tuluyang matapos o di kaya ay kung merong kasulatan na ang pagkakautang ay kinikilala ng taong iyong sinisingil. Ito ay ayon sa Article 1155 ng Civil Code.

                                              xxx

__________________
1https://sc.judiciary.gov.ph/24982/
2SEC. 5. (A.M 08-8-7-SC) Applicability.– The Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities, Municipal Trial Courts, and Municipal Circuit Trial Courts shall apply this Rule in all actions that are purely civil in nature where the claim or relief prayed for by the plaintiff is solely for payment or reimbursement of sum of money.

The claim or demand may be:

(a) For money owed under any of the following:

1. Contract of Lease;
2. Contract of Loan;
3. Contract of Services;
4. Contract of Sale; or
5. Contract of Mortgage;

(b) xxx
(c) xxx.”
3See Sections 6, 7, 8, and 17 of A.M No. 08-8-7-SC

3 komento:

  1. Paano ko nakuha ang aking Xmas at utang sa negosyo.

    Ang pangalan ko ay si Margaret Shirley, isang nag-iisang ina mula sa Turkey, Instanbul. Masaya ako at nagpapasalamat sa kumpanya ng pondo ng pautang sa mataas na klase sa tulong ni G. Margaret sa pagbibigay sa akin ng isang Xmas / Pautang sa Negosyo sa 3% na rate ng interes sa ika-1 ngOctober2019 . Iniligtas nila ako mula sa pag-loose at refinance ng aking namamatay na negosyo pati na rin .Ang mensahe na ito ay maaaring maging malaking kahalagahan sa iyo mula doon na naghahanap ng isang tunay na pautang para sa Pasko o layunin ng negosyo. Sa iba pa para hindi ka mahulog sa maling mga kamay, ang aking adviceto youis na makipag-ugnay ang kumpanyang ito sa pamamagitan ng email: highclassloanfund@gmail.com Maraming salamat

    TumugonBurahin
  2. Paano kung nasa loob ng bakod kagat ang aso at unauthorized entry yong nakagat May pananagutan ba sa batas ang may air sa aso

    TumugonBurahin
  3. Pano kung nasa loob ng bahay ang aso at unauthorized entry Yong nakagat tapos naapakan nya pa yung aso pano po ang pananagutan namen dun sa nakagat dapat po ba hati kame sa pag papagamot nung nakagat ng aso?

    TumugonBurahin