By MKL
Kung
ikaw ay hirap o sawa ng sumingil sa taong iyong pinautang ng halagang hindi lalagpas sa isang milyong piso (P1,000,000.00)
at may dokumentong makapag-papatunay nito, ano ba ang maaring mong gawin
upang tuluyan ka nang maka-singil?
Maari kang mag-file ng Small Claims
Case
Ayon
sa Rules on Expedited Procedures in First Level Courts (A.M No. 08-8-7-SC)1 ng Korte Suprema, maari kang maghain ng
reklamong “Small Claims” laban sa taong hindi nakapagbayad sa’yo, kung ito ay
nagmula sa alinman sa mga sumusunod na kadahilanan2:
(a) Perang hindi nabayaran dahil sa:
1.
Contract of Lease (Renta);
2.
Contract
of Loan (Utang);
3.
Contract of Services (Serbisyong may bayad)
4.
Contract of Sale (Bentahan)
5.
Contract of Mortgage;
(b) xxx
(c) xxx
Kakailanganin mo lang na magtungo sa Municipal Trial Court na may sakop ng lugar kung saan ka nakatira
(nagrereklamo) o ng taong irereklamo, upang mag fill-up ng verified
Statement of Claim (Form 1-SCC), Certification Against Forum Shopping, Atbp.
(Form 1-A-SC). Kailangan din na ilakip ang kopya ng dokumentong maka-pagpapatunay ng
iyong “claim”, tulad halimbawa ng Promissory
Note, at ng iba pang mga ebidensya kagaya ng mga salaysay ng testigo, kung
meron man3.
Dapat
lamang na ang kabuang halaga na nais mong singilin, hindi kasama ang interest
at costs, ay hindi lalagpas na ngayon sa isang milyong piso (P1,000,000.00).
Hindi
mo na rin kakailanganin pa na kumuha ng abogado na mag-rerepresenta sa’yo sa kaso. At
kung kakailanganin mo ng tulong sa paghahanda ng reklamo o ano pa mang
impormasyon patungkol sa “small claims” ay nandiyan mismo ang mga empleyado ng
korte para ikaw ay gabayan.
Tandaan lamang na ang paniningil sa utang ay may tinatawag na prescriptive period o panahon kung hanggang kailan lamang ito pwedeng i-file sa korte. Kapag may kasulatan, sampung (10) taon mula sa due date ng loan ang prescriptive period (Article 1144, NCC). Habang anim (6) na taon naman ang prescriptive period kapag verbal at walang kasulatan ang utang. Subalit maaaring matigil o mapahinto ang pagtakbo ng prescriptive period ng pagsingil kung ikaw ay magpapadala ng demand letter bago ito ay tuluyang matapos o di kaya ay kung merong kasulatan na ang pagkakautang ay kinikilala ng taong iyong sinisingil. Ito ay ayon sa Article 1155 ng Civil Code.
xxx

__________________
1https://sc.judiciary.gov.ph/24982/
2 “SEC.
5. (A.M 08-8-7-SC) Applicability.– The Metropolitan Trial Courts, Municipal
Trial Courts in Cities, Municipal Trial Courts, and Municipal Circuit Trial
Courts shall apply this Rule in all actions that are purely civil in nature
where the claim or relief prayed for by the plaintiff is solely for payment or
reimbursement of sum of money.
The claim or
demand may be:
(a) For money
owed under any of the following:
1. Contract of
Lease;
2. Contract of
Loan;
3. Contract of
Services;
4. Contract of
Sale; or
5. Contract of
Mortgage;
(b)
xxx
(c)
xxx.”
3See
Sections 6, 7, 8, and 17 of A.M No. 08-8-7-SC